Friday, August 17, 2012

Sto Kristo De Burgos

How to join the Devotion for Sto Kristo de Burgos of Sariaya, Quezon?
Seminars are done every first Friday of the month at 7 am at the Nazareth Hall.  Fill up the registration form  and a donation of P100 shall be submitted to the person in charged.  After the Seminar follows the mass at 8am.  Before the end of the mass all new members will be called in the altar and will be given the medallion of the Sto Cristo de Burgos.



Ang Santo Kristo de Burgos


Ang Santo Kristo de Burgos (Mahal na Senor) ay isang replica ng imahen sa Burgos Cathedral, Brugos, Espanya.  Ito ay kaloob ng Haring Felipe V ng Espanya bilang tugon sa hiling ng mga Prayleng Pransiskano nong ika 17 siglo upang maipagtanggola ng bayan laban sa malimit na pagsalakay ng mga piratang Muslim.  Ito ay unang nalagak sa altar ng simbahan sa Tumbaga(Lumangbayan) sa pagitan ng 1703-1743, nang ang Sariaya ay maging isang encomienda na pag-aari ng Hari ng Espanya.

Nawasak ng malakas na lindol nong Enero 12, 1743 ang simbahan sa Lumang-bayan.  Limang taon naman ang lumipas bago nayari ang kasalukuyang simbahan.  Saloob ng limang taon ang Santo Kristo de Burgos ay pansamantalang nalagak sa isang pribadong tahanan kasama ni Padre Martin de Talavera, kura paroko mula Mayo 20, 1741- Ma70 23 1744.

Alam ng mga prayle na matinding tagapagtanggol ang Mahal na Senyor laban sa mga piratang Musli.  Ang orihinal na imahen ay patron ni El Cid nang talunin nya ang mga Moors (Muslim) sa Timog Espanya.  Magbuhat naman nang maidambana ang Santo Kristo de Burgos sa kasalukuyang simbahan ng Sariaya ay nahinto na rin ng lubusan ang pagsalakay dito ng mga piratang Muslim.

Maraming himala ang ipinamalas ng Mahal na Senyor sa Sariaya at karatig bayan.  Ang mga himala ay nangyayari pa rin at nadarama ng mga mananampalataya hanggang sa kasalukuyan.  Maraming deboto ang nagsasadya sa Sariaya tuwing Biyernes upang humiling, magdasal o kaya'y magpasalamat tungkol sa kalusugan, hanapbuhay, pag-aanak at marami pang iba.  Marami rin namang mga pangyayari and di maipaliwanag subalit ang binibigyang puri ay ang mahimalang Santo Kristo de Burgos.  Pati ang pagputok ng Bundok Banahaw (isang bulkang aktibo na tubig at lahar ang laman) ay di na rin naulit sa loob ng panahong inilagi rito ng Santo Kristo de Burgos.  Pasalamat tayo sa Mahal na Senyor.  Purihin ang Diyos.

Hango sa Pambiyernes na Aklat Dasalan sa Pagdedebosyon sa Sto Kristo De Burgos


No comments:

Post a Comment